Mahahaha.
BAJO NIYA’Y MAGARA
Translation of “Super Bass” by Nicki Minaj
Ito’y para sa mga lalaking dumadagundong ang sistema
Bubong na nakababa, at may pampalamig na sistema
Pagdating niya sa club, siya’y nag-iinit na
Nagsasalansan na parang nagtitipid na
Siya’y may sakit, at totoo, may panukala
Siya’y basag-bote, anyo’t hubog niya ay tamang-tama
Siya’y malamig, gago, at may bentang kokaina
Siya’y laging lumilipad, pero di nakikisakay sa masa
Putanginang trip niya, trip niya, marinero ng bapor, bapor
Habang siya’y tumutulo, tumutulo, halikan siya sa labi, labi
Iyon ang tipong lalakeng hinahanap ko
At oo, sasampalin kita kung mukha kang gago
Sabi ko, “Pasintabi lang, isa kang lalakeng tunay
Este, ah, ah, ah, ah, para kang pelikanong pumpapagaypay,
Este, nahihiya ka pa, pero kurbata mo’y gusto ko ‘day
Ika’y mas madulas pa sa lalakeng iyon na ang mata’y may latay, oh
Oo ba, oo ba, oo
Pakisabi na lang sa kaniya kung sino ba ako
Ako si Nicky Minaj, sa lalake’y angat na angat na
Konting atras pa, at tabla tayong dal’wa
Hoy, itinakbo mo ang tibok ng puso ko
Parang kumpas ng tambol na papalapit sa yo
Di mo ba dinig ang boom, badoom, boom, boom, badoom, bajo
Bajo niya’y magara
Boom, badoom, boom, boom, badoom, boom, bajo
Bajo niya’y magara
Boom, badoom, boom, boom, badoom, boom,
Bajo niya’y magara
Boom, badoom, boom, boom, badoom, boom,
Bajo niya’y magara
Ito’y para sa mga lalake sa Polos
Negosyanteng egoy sa mga mogul
Kaya niyang makipagtalbugan sa kawan, kayang solo
Pero mas gusto ko siya kung siya’y nakiki-dolo
At mas gusto ko siya kung kasya ang kanyang sombrero
At di na niya kailangan pang may mac sa porma niya, yo
At basta ganoon ang titig niya, ganoon ang titig niya
Laglag panty agad, agad, oh
Pasensya na, ikaw ang tipo kong lalake
Ako’y may type sa mga Kanong lalake
Este, hay, sakit sa iyong mata
Halatang may ugnayan ka sa babae mong banda
Oo ba, oo ba, oo
Pakisabi na lang sa kaniya kung sino ba ako
Ako si Nicky Minaj, sa lalake’y angat na angat na
Konting atras pa, at tabla tayong dal’wa
Hoy, itinakbo mo ang tibok ng puso ko
Parang kumpas ng tambol na papalapit sa yo
Di mo ba dinig ang boom, badoom, boom, boom, badoom, bajo
Bajo niya’y magara
Boom, badoom, boom, boom, badoom, boom, bajo
Bajo niya’y magara
Boom, badoom, boom, boom, badoom, boom,
Bajo niya’y magara
Boom, badoom, boom, boom, badoom, boom,
Bajo niya’y magara
Sa buhay ko, ika’y aking kailangan
Hindi, hindi, hindi, hindi, hindi, alam kong ika’y nariyan
Hindi, hindi, hindi, hindi, hindi, huwag mo ‘kong iwan
Hoy, itinakbo mo ang tibok ng puso ko
Parang tibok ng pusong papalapit sa yo
Di mo ba dinig ang boom, badoom, boom, boom, badoom, bajo
Hoy, itinakbo mo ang tibok ng puso ko
Parang tibok ng pusong papalapit sa yo
Di mo ba dinig ang boom, badoom, boom, boom, badoom, bajo
Bajo niya’y magara
Boom, badoom, boom, boom, badoom, boom, bajo
Bajo niya’y magara
Boom, badoom, boom, boom, badoom, boom,
Bajo niya’y magara
Boom, badoom, boom, boom, badoom, boom,
Bajo niya’y magara


at 8:38 pm
this is funny. was trying to sing it while reading too
at 12:02 pm
I went “boomburoomboomboom SUPERFACE” in my head.
at 5:01 pm
Ang sakit sa ulo nito!
Hhahaha
at 9:44 am
hahaha xD love it !
this one makes me crazy !
singing while reading this translated lyrics !!
xD hahahaha