Browsing the archives for the entries written in filipino category.


Manggugulo Lang Po

entries written in filipino, personal, philippines, politics

Sabi mo, sana balang araw, huwag na akong magkaroon ng hinanakit sa Gobyerno.  Nanggugulo lang ako  Magtrabaho na lang ako, magsikap, at huwag ko nang batikusin ang pamahalaan o ang Pangulo.  Sa bagay, tama ka naman.  Di ko masisisi ang lahat ng ito sa Gobyerno, lalung-lalo na ang kondisyon ng kamay ko.  Tama ka.  Nanggugulo lamang ako. Nagtratrabaho, nagsisikap, ngunit nanggugulo pa rin.

Sana makita mo ang kondisyon ng mga kamay ko, at maranasan ang sakit na nadarama nito.  Mahirap maging manunulat.  Di ko ito sinisisi sa Gobyerno; tutal, kasalanan ko ito. Di kasi maayos ang posisyon ng mga kamay ko tuwing ako’y nagsusulat.  Kung sana hindi ko na iniintindi yun, di ko na sana binabalot ang mga kamay ko pagsapit ng gabi, para naman meron akong sariling problema na pwedeng-pwede akong umangal.  Na pwede akong mag-emo.

Pero ano nga ba naman ang sakit sa kamay kung nakikita mo ang pagdurusa ng kapwa mo Pilipino na mas malala pa ang dinaranas kaysa sa iyo?

Continue Reading »

No Comments

Konsepto ng Pila

entries written in filipino, philippines, social critique

   Maiba naman tayo: pagpasensyahan niyo na ang balu-baluktot kong Filipino.

   Sa aking pagmumuni-muni sa mga napag-aralan ko noong kolehiyo, naisip ko na mahilig ang isang sosyolohista o antropologo sa malalalim na dahilan ng mga problemang panlipunan.  Ngunit ang mga sopistikadong pagkakahulugan sa mga problemang panlipunan ay karaniwa’y hindi ang tamang pagkakahulugan.  Kungsabagay, madali lang naman sisihin ang “Sistema” sa lahat ng problema natin: di rin ba tayo sistema?  Istruktura na lang ba ang nagdidikta sa atin?  Sadya na bang ganito ang krisis ng ating pagkatao, na wala tayong kinalaman sa problema ng ating sariling istruktura?  Biktima na lang nga ba tayo lagi?

   Hindi ko yan kailanman matatanggap, ke sosyolihista ako o manunulat.

   Di ko rin matanggap na walang disiplina ang Pilipino.  Hindi ba disiplina ang magising nang maaga, mag-overtime sa trabaho, o magpuyat sa pag-aaral?  Sa akin lang naman, wala lang tayong konsepto ng pila.

   Gasgas na linya, pero yun nga yung masaklap, yun yung masakit.  Wala tayong konsepto ng pila.  Noong Lunes, nagkaroon ng welga ng mga pampasaherong sasakyan.  Payag na sana akong mahuli sa trabaho dahil walang sasakyan, pero meron namang MRT.  Kaya lang naman ako nahuli ng ilang minuto - at minu-minuto ding kaltas sa sweldo iyon - dahil walang konsepto ng pila sa MRT ke may welga o wala.  Walang diretsong pila, walang bangking na pila, walang pila.

   Kanina, pipila din sana ako sa may ATM para mag-withdraw ng pera.  Dalawang daan lang naman sanang ilalabas ko dahil sa katapusan pa ako susuweldo, at kumakalam na rin sikmura ko sa 12 oras ng trabaho.  Nakapila na ako’t lahat lahat sa may ATM, pero biglang may babaeng sumingit.  Ayun: bigla na lang sumingit lahat.  Nawala na parang bula ang puwesto ko sa pila.

   Natanong ko sa sarili ko: Pilipino pa rin ba ako dahil may konsepto ako ng pila at dahil pumipila ako?  Parang masakit yung tanong, pero gaano nga ba ka-totoo iyon para sa aming may pasensya at respetong natitira sa sarili para magkaroon ng espasyo?  Mas masakit na tanong: ano ba talaga ang pila?  Bakit ba kinakailangan pa minsan na lagyan ng mga pang-harang ang mga lugar na dinadaluyan ng tao?

   Minsan naiisip ko kung talaga bang problema natin ang NBN-ZTE, o kung meron pa ba tayong pag-asang manalo sa Miss World.  Kumpara sa malaking problema na wala tayong konsepto ng pila, parang mani-mani rin lang pala ang kurapsyon sa gobyerno.  Kung ang “pila” ay nangunguhulugang “disiplina,” sus, ang laki ng problema natin.  Di talaga tayo uusad bilang isang bansa.  Bakit, kailan pa ba tayo gumawa ng masama para bigyan ng “disiplina?”

   Sabi nila, sa kangkungan na pupulutin ang Pilipino.  Mga kapwa ko Pinoy, may pila din po doon.  Sana doon, malaman na natin ang halaga ng pila.

1 Comment


  • About Me

    My name is Marck Ronald Rimorin. I am a blogger, a commentator, a journalist. Above all, I am a writer. Writing is more than my passion or my livelihood. Writing is my addiction.

    They call me Marocharim. Welcome to the Experiment, bitches.
  • Calendar

    January 2009
    S M T W T F S
    « Dec    
     123
    45678910
    11121314151617
    18192021222324
    25262728293031